ALAM MO BA, ANAK?
Nuong kalagitnaan ng 1990 ninais kong magsulat ng isang serye na ang nilalalaman ay patungkol sa mga nararapat mabatid ng mga Pilipino na nasa ibayong bansa lalu na sa Amerika. Ang pormat na nais kong iparating ay tulad ng pagkukuwento ng isang magulang sa anak, ng may-edad sa musmos na bata. Isa rin itong almanac pero sa halip na patungkol sa klima o panahon, hinggil ito sa buhay-buhay ng mga Pilipino. Ang naging pananada ko kolum ay 'alam mo'nac', pinaikling ALAM MO BA ANAK?...
+++++
alam mo’nac
ni MC
Canlas (1/9/97)
Unang
Labas
Laging tandaan: mapanganib ang kakaunting kaalaman,
napaglalamangan ng walang kamalay-malay.
Alam mo, anak, hindi lahat ng tinuro sa ati’y wasto at
siyang totoo. Hindi lahat ng napag-aralan, sa paaaralan, media at simbahan, ay
pawang katotohanan. Maaring tayo ay inuuto, niloloko at nililinlang na, hindi
pa natin alam.
Laging tandaan: kung ang isang bagay ay kulang, wala at
di-sapat ang batayan at kapaliwanagan, huwag padadala kaagad at paniniwalaan.
Alam mo, anak, hindi lahat ng tinuro sa ati’y wasto at
siyang totoo.
·
hindi totoong “pre-historic,”
“stone-age,” “noble savages,” ang mga Tasaday at Tau’t Bato.
Mga
pakulo at gimmick lamang ito ng Panamin ni Manda Elizalde noong panahon ni
Marcos!
Ang
totoo, ito’y ginagamit para magkapera at prestihiyo ng mga may pasimuno, at
higit sa lahat, maitatago ang pagnanakaw, pagkamkam ng mga lupain at pagpaslang
sa mga katutubo.
·
hindi totoo ang kasaysayan ng “Sampung
Datu” sa Panay, ang “Code of Kalantiaw” at mismo ang “ati-atihan.”
Pinabulaanan
na ito ng mga istoryador na ito’y kathang-isip lamang ng nangangalang Jose E.
Marco ng Negros Occidental.
Ang
totoo, pinalaganap ito sa ating textbook at sa mga tao sa Panay at Negros nang
sa ganoon ang pagkakaroon ng malakihang lupain at pag-aari ng mga asendero at
ilang mayayaman ay may “pinagbatayan at pinag-ugatan” sa ating kasaysayan.
Alam mo, anak, hindi lahat ng
napag-aralan, sa araling-panlipunan, pawang katotohanan.
·
Hindi totoong ating tinubuang lupa ay
“natuklasan” ni Ferdinand Magellan, na ang mga ninuno natin ay “di-sibilisado”
at “walang takot sa Diyos”
Ito
ang turo ng mananakop na Kastila at Simbahan Katoliko. Hindi katanggap-tanggap
sa mga bihasa at makabayang istoryador.
Ang
totoo, bago pa man dumating ang “puting dayuhan” ang ating mga ninuno ay
mayroon ng kabihasnan, paniniwala sa Diyos, kultura at mahusay na
pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan mula Tsina, Indiya, Arabo, Hapon at
Timog-Silangan Asya.
·
hindi totoong “sinagip” ng Amerika ang
ating Inang Bayan sa Kastila upang bigyan ng “demokrasya’t kalayaan”
Malaking
kasinungalingang isinaksak sa utak ng mga mamamayang Pilipino at Amerikano.
Pinalaganap ito bilang “Manifest Destiny” at “ Benevolent Assimilation” ng
Estados Unidos sa Pilipinas.
Ang
totoo, ang pangunahing interes ng Estados Unidos ay ang mapalawak ang kaniyang
“economic at political power” sa Asya at sa buong mundo.
·
hindi totoo na ang mga Pilipino sa
America ay “recent immigrants,” mga bagong salta at walang bahagi at karapatan
sa kasaysayan ng Estados Unidos.
Ang
isyu ay kakabit sa anti-immigrant at anti-people at racist na policies ng
Gobyerno.
Ang totoo, noong 1587 napadpad
na ang ilang katutubo ng Luson sa tinatawag ngayong Morro Bay California. Sakay
sila ng Nuestra Senora de Esparanza,
isang Galleon ng Kastila.
Alam mo, anak, hindi pa naman ang huli ang lahat. Marami pa
tayong kailangan “unlearnings” para lubusan nating mauunawaan ang ating sarili
at ang ating pagka-Pilipino. Tara na!
No comments:
Post a Comment